10 Facebook Group Posting Etiquette

Sharing lang napulot ko sa ibang group, applicable din naman ito sa DIY TRAVEL PHILIPPINES.

1. Pagpasok sa isang group una mong hanapin Rules para di ka mukang tanga na nagwawala sa galit pagnadelete ang post mo yun pla labag sa Rules ng Group.

Read: DIY Travel Philippines group rules

2. Makihalubilo ka muna wag post ng post agad ng binebenta Facebook group ang napasok mo hindi palengke maliban lang kung lahat ng kausap mo makita mo may dalang bayong.

3. Wag magtatanong ng kailangan mo ng sagot agad agad kagrupo mo ang kausap mo at hindi Emergency Hotline.

4. Wag kang pikon pag yung iba e tatawa tawa lang o nagbibiro FB Group yan kaya masaya wala ka sa Library. Pero wag din feeling close.

5. Wag ka magshopping spree na lagay ng ads e cocommentan mo ng “How Much or HM” Facebook group pinasok mo at hindi Tiangge, may kapangyarihan ka pra iPM cya samntalahin mo habang libre at baka bukas may bayad na yan.

Group for agencies, vans and organizers: DIY TRAVEL PH EVENTS, TOURS, VANS

Got something to sell? Or transient owner? Join DIY TRAVEL PH BUY AND SELL, RENT, HOMESTAY, TRANSIENT, STAYCATION

6. Wag ka magtatanong at magaantay ng gusto mong sagot dahil kung may gusto ka ng sagot e wag mo na itanong!

7. Wag mo tatawagin na bobo yung sumagot sa tanong mo kasi siya may sagot ikaw wala kaya ikaw ang bobo.

8. Hindi lahat ng nakakasagot sa mga nagtatanong ay nagmamagaling, meron din gusto lang talagang makatulong at madaming alam kaya alamin mo muna kung sino yung may kredibilidad.

9. Wag mo hahamunin ang Admins na iKick ka dahil ikaw mismo pwedeng umalis mag isa kaya wag mo na sila istorbohin.

10. Grupo na yan bago ka pa dumating wag mo asahan sila magbago para sayo, ikaw dapat ang makibagay sa kanila. mag isip isip ka kung talaga bang kailangan ka nila o ikaw ang may kailangan sa kanila. 👍

Credits to:Ernest-Duane Garciaa



1 thought on “10 Facebook Group Posting Etiquette”

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.